Menu Home

Isla

I am not a poet and my first language is not Filipino. I cannot remember the last time I wrote any poetry in any language but one morning, I took out my pen and started writing. It’s not perfect and it’s not even that good, but it comes from the bottom of my heart. It’s even in a language that the person I wrote it for will not understand. I promise I shall have it translated to English and then Italian, but for now, this is what I have, raw, unfiltered, unedited.

This is for Fabio, amore mio.

Ako’y natagpuan mo sa isang isla
Puso ay durog at isip ay watak-watak
Isa-isa, pinulot mo ang sanlibong matatalim na piraso
Sugatang puso at dumudugong mga kamay
Binuo mo ang di mabilang na pirasong nagkahiwa-hiwalay.

Puno ka ng pag-ibig at di masukat na pagmamahal
Katawa’t isip ay nasaktan, mga mata’y luhaan
Hanggang paunti-paunti
Ako ay muling natutong magmahal nang walang pag-aagam
Pait sa aking puso at isipan
Tuluyang napalitan
Ng pag-ibig na di nagtatanong, di nangangamba, at di nag-aalinlangan.

Itinayo mo ako sa aking mga paa
Pinalakas ang puso at isip
Hanggang kislap sa aking mga mata at
Ngiti sa aking mga labi ay nanumbalik
Lumuha muli, ngunit hindi sa pait
Dahil datapwa’t ngunit, nakita mo ang totoong ako
Pinaalala, muling pinakilala
Sa akin, sa lahat, at sa buong mundo.

Paanong hindi magiging maligaya sa pag-ibig mong tunay
Busilak at walang hininging kapalit
Kundi ang matutunan kong muling mahalin
Hindi lang ikaw at ang mundong ginagalawan
Kundi higit sa lahat,
ang sarili kong puso, isip, at pagkatao
na nakaligtaan, napabayaan.

At araw-araw mong pinapapaalala at ipinapakita
Sakaling ako ay makalimot muli
Paulit-ulit na ipapaalala kung kinakailangan
Kung bakit aka ay karapatdapat na arugain.

Hawak mo ang aking kamay, ikaw ang aking gabay
Magkadaupang palad nating babagtasin
Ang buhay na para sa atin.
Ako ay ako at ikaw ay ikaw
Dahil tayo ay hindi tayo kung ako lang o ikaw lang
Sapagkat ano nga ba ang pag-ibig?
Sa mundo ko ay ikaw.

Inuwi mo ako at binigyan ng tahanan at kanlungan
Sa kabilang panig ng mundo
Sa isang isla.
Pagka’t isla ang naging tagpuan
At sana, sa isla din ang ating magiging huling hantungan.

Bardonecchia 2014, Sardinia 2015, El Nido 2013

Home in Porto Coda Cavallo, Sardegna. July 2018

Merida, Mexico. December 2017.

Categories: 2022 Creative Writing

Tagged as:

Angku

Crazy wife. Mother of two.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *