Reposting this for all my friends who are expecting or who are thinking of, hoping to be, expecting. I hope you find this useful or insightful in any way. Cheers everyone!

***

Walanghiya, anong petsa na?! Yan ang paulit-ulit na linya ko sa bawat araw na lang na dumaan.

Eksayted na eksayted na talaga ako sa paglabas ng behbeh. Eh ambigat kasi eh. Iniisip ko nga, siguro akala ng iba nagdadrama lang ako kasi mukha namang maliit ang tiyan ko para sa six months, eh ambigat talaga eh. Kung ganito kabigat to, pano na lang ako next month at next next month? Walanghiya, anong petsa na ba?

Okey lang naman kapag sumisipa, sumisirko, nanununtok, naninipa, namimitik, sumasayaw, tumatambling yung behbeh eh, wag lang mababa. Masakit pala talaga ang hitting below the belt? Nuninuninu.

Sabi ng libro, “pregnancy is not designed to torture you…”

Kapag di makakain, nagsusuka at nahihilo buong araw, “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag masakit na ang pagsipa, pagsuntok, pagsirko, pagsayaw, pagpitik at pagtambling ng behbeh, “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag masakit na dahil matagal na nakatayo o naglalakad, “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag di na makalakad at makagalaw dahil mabigat, “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag hinihingal sa 10-minute walk,  “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag di makatulog dahil nangangawit ang paa, “pregnancy is not designed to torture you..”

Kapag di makahiga ng flat ang likod sa kama, kelangan daw naka-side kundi sasakit ang likod, “pregnancy is not designed to torture you..”

Ryan: Wifey, ang ganda-ganda mo na.. Hayluvet!
Angku: Yesh, ang taba-taba ko…
Ryan: Oo, pangarap ko talaga yan eh. Yung patabain ka.
Angku: Sabi ni Ryan, “Gagawin ko ang lahat para tumaba ka lang. Bubuntisin kitaaaa!”
Ryan: Dati nauubos na ang pera ko kakapakain sayo, di ka naman tumataba.
Angku: Sabi ko na nga ba, desperado ka.

**

Angku showing ultrasound pictures to friends and relatives:

Angku: Kita mo ba?
Friends/relatives: (binbali-baliktad ang ultrasound pictures) Uh…., asan?
Angku: Psych test yan. Pag kita mo, ibig sabihin, above average ang IQ at EQ mo. (straight face)

**

Ryan and Angku naglalakad sa labas. Angku suot ang black blouse na binili nya last, last year pa.

Angku: Ang cool ng damit na to ano? Pang-buntis. Siguro alam ko talaga na magbubuntis ako very soon kaya puro preggy blouses na nabili ko.
Ryan: Deep inside, gusto mo talaga mabuntis.
Angku: Right.
Ryan: Pangarap mo yan eh. I just know it!
Angku: Right… Ka-level ng “Deep inside, gusto mo talagang maging housewife.”

**

Ryan and Angku in doctor’s office for monthly check-up.

OB: O, dapat bumibili ka na ng mga damit.
Angku: Pwede po bang hindi?
OB: Eh ano isusuot mo?
Ryan: Lagi lang po siyang hubad.
Angku: Hehehe (sabay big, toothy smile)
O.B.: Aba, eh magdamit ka naman. Pano na lang pag lalabas ka?
Angku: Pwede po bang wag lumabas?
Ryan: Nagiging primal na po siya.
O.B.: (buntong-hininga) Haay naku, kayo talagang dalawa. Never a dull moment.

**

Ryan and Angku in mall.

Ryan: Bigyan kita ng 2,000 bumili ka lang ng damit.
Angku: No, thank you. Shopping mode off.
Ryan: Eh kelan ka bibili ng damit?
Angku: I hate shopping. I hate the mall.

**

Angku: Hubby, asan na yung mga luma mong damit?
Ryan: Bakit?
Angku: Isusuot ko.
Ryan: Wag yan. Wag yang Guess na polo shirt ko. Marami nang butas yan eh.
Angku: Oh wow! It’s just my type! (Sabay suot ng Guess polo shirt na may limang libong maliliit na butas)

Anhirap naman magbuntis. Kelangan bumili ng damit. Pwede bang bumili ng isa lang tapos gawing official preggy uniform? Yung yun at yun lang isusuot kapag lalabas ng bahay?

Bawal daw matagal na nakaupo. Bawal din daw matagal na nakatayo. Yesss! Walang sinabi tungkol sa matagal na paghiga. Hehehe. More dvds please?

Dahil O.C. ako, kinokontrol ko ang aking weight gain. I-endeavor ko rin ang pag-kontrol ng weight loss after.

Ryan: Bakit tapos ka na kumain? (tampo-drama mode on)
Angku: Bakit ganyan itsura mo?
Ryan: Gusto ko tumaba ka.
Angku: Gagu, sabi 4 lbs/month lang. Hindi 10 lbs every freakin month. 106 lbs na ako kahapon sa ating scale na madaya ng 4 lbs. May 4 na araw pa til check-up slash weigh-in. Gusto mo batukan na naman ako ng OB?
Ryan: (straight face)

Aba, lumalaki ata ang mga braso ko, iwork-out na yan! Aba, wala daw akong hips. Walang hips my a, magpalaki ng hips! Wala namang masama kung i-endeavor kong takasan ang CS di ba? Kelan daw ba ang due date ko. Pwede sa April 5? Bakit naman sa April 5? I like the number 5, it’s lucky. (Eh yung 5 anak kaya, lucky pa rin?)

Ryan: Wifey, gumaganda ka ata.
Angku: Baka bumabait lang ako.

**

Angku nagbabasa ng Guide for Expectant Fathers na libro.

Angku: Ganito na pala kalaki ang fist ni behbeh kapag 24 weeks. Kaya pala nakikita na natin kapag bumubukol.
Ryan: Why you reading my book? That’s my book! (tampo-drama mode on)
Angku: Ambilis naman nito. Fist pa lang tinitingnan ko, pag-turn ko ng page, labor na agad!
Ryan: Eh pang-lalaki yan eh. Sa mga lalaki, lahat mabilis.
Angku: (stares at Ryan)

Gusto ko pabilisin ang panahon. Anong petsa na ba? Eksayted na eksayted na ako.

Quote from preggy guide book from O.B.’s office:

“You may feel shortness of breath when pregnant because of your increased need for oxygen. During the late pregnancy, the pressure of your growing baby on your diaphragm may make it harder for you to breath [but] you should.”

Pregnancy is not designed to torture you… pregnancy is not designed to torture you.. repeat n times till fade…

..

.

.

.

Written January 7, 2009

This was originally posted here.

And as a post-script:

I just want to share how much I am a fan of Cathy Thorne‘s cartoons. I have it on my links list, and you may also click on the individual images to view the source site. Or you may click on the following link too: Everyday People Cartoons (Cartoons about women, and the people who love and annoy them.)

Share: